Latest Entries »

OY K

OY K! Ay isang blog page na binubuo ni Kaloy at Kimpoy. Mga pangalang hango sa palayaw ng mga administrator na siyang magpapalakad, takbo, usad, gapang, langoy, at tibok sa puso ng dalawang nilalang na magpapahayag ng kanilang nararamdaman gamit ito.

Oy K kasi:

Oy (endearment nina Kaloy at Kimpoy) ayaw nila ipahalatang mahal nila ang isa’t isa.

K (stands for, malamang alam mo na, at tama ka!)

Oy K (Sounds like Okay na ayon kay kumareng Wikipedia: is a colloquial English word denoting approval, acceptance, agreement, assent, or acknowledgment.) Na nangangahulugan HINDI pormal ang blog na ito, magkakamali kami, ngunit sisikapin namin itong maging OK para sa ikatuto, at ikalilibang naming manunulat at ninyong mambabasa.

REMINDER: Start reading post mula sa 1.Ako si Kaloy para makasunod sa story. https://sikimpoyatkaloy.wordpress.com/2012/04/05/ako-si-kaloy/ Enjoy READING! Matutuwa kami kung i lilike niyo at mag0iiwan kayo ng komento. SALAMAT! 😀

30. Facepalm

Two years.
24 months.
730 days.

Andami nang araw yung pinalampas ko. Andaming minuto yung naubos ko kakapigil sa utak ko na maalala maski ang pangalan mo.

Andami nang nangyari. Nalipat ako ng office assignment, huminto ka para sumubok ng ibang daan na iba sa tatahakin ng normal na estudyante gaya ko. Litaw na litaw tuloy mga pagkakaiba natin… I was still stucked here habang ikaw… you got what you wanted nakatakas ka sa “impyerno” mo… parang lahat ng factors sa buhay pati destiny o kung ano mang unearthly force na imbento ko lang naman nakikipagtulungan sa paglayo ko sayo.

But it wasn’t easy. Sa loob ng dalawang taon, frankly hanggang ngayon, pakiramdam ko ikaw lang yung nakapag-grow (literally and figuratively). Pakiramdam ko ako yung naiwan. Stucked. Stranded. Di nakamove on. Tinatanong ko pa rin bago matulog…
Ano bang nangyari satin? Ok naman tayo di ba? Mali ba ako? May naging tama ba sa lahat ng to? Ano ba ko sayo? Mahal mo ba ko? Mahal ba kita? Tanga ko no? Ikaw, gago?

Siguro iniisip ng iba, ako naman ang lumayo di ba? Ako naman pumutol nito di ba? Ako naman ang bumitaw di ba? Pero hindi e. Kasi in the first place, wala naman akong pinanghahawakan.

Funny kasi hanggang ngayon di pa ko magaling. Tanga pa rin.

29. Deads

Gusto kong umiyak- nakakahiya.

Gusto kong humingi ng tawad,

pero para saan? Hindi naman kita kinuriputan.

Kailangan ko bang ihingi ng kapatawaran

ang isang bagay na hindi naman kasalanan?

O mas malaking kasalanang hindi ko

makita ang mali sa aking pagkatao?

Nagkamali ba ako ng buhayin ko ang

dalawang kathang isip na pinaniwalaan ng mundo.

Na pinaniwalaan mo at ngayo’y pinatay mo

sa likod ng katotohanang kapag wala si Kimpoy-

patay din si Kaloy.

dalawang buwan at labing apat na araw na ang lumipas, kung hindi ako nagkakamali dahil mahina ako sa math.

isa to sa mga pagkakataong nauubusan ako ng salita.

nahihiya ako dahil ako’y naging mahina.

hindi ko na alam kung san ba to patungo, o kung may patutunguhan ba.

kaya nagpasya akong patayin na si kimpoy.

nahihirapan na kasi siya.,

makasarili dahil inisip ko lang ang aking sarili. pero yun kasi ang mali. nailagay ko ang sarili ko dito na dapat ay si kimpoy at hindi ako.

gets niyo ba ako?

ako rin di ko gets ang sarili ko.

kung sakaling gumaling ako mula sa katangahan, baka magbalik pa ako.

pero sa ngayon, papagamot muna ako.

27. Neknek mo

Neknek mo! Ano ako bulag?

Para hindi ko makita?

Neknek mo! Ano ako pipi,

Para ‘di ko masabi?

Neknek mo! Ano ako bingi,

Para ‘di ko marinig?

 

Mukhang neknek mo nga,

dahil nahulog ka sa isang

Bulag, pipi’t binging katulad ko.

 

Pero may gamot na ba

sa katangahan nating ‘to?

O hanggang neknek mo

at neknek ko na lang talaga tayo.

 

26. sana wag mong mabasa

naaalala mo ba yung tacos na puro repolyo? pinapanuod lang kitang kumain nonhabang kumakain din ako ng turon.
yung tasa sa pandayan na gusto mo? yung may workaholic? akala ko nga bibilhin mo yun we
yung voodoo doll na hello kitty ang pangalan? ang weird ng itsura nya, pero ang cute kasi ikaw mismo gumawa.
yung fresh lumpia na di ko magets kung bakit sarap na sarap ka e puro dahon naman?
yung halo halong mahirap haluin? masarap yun kasi libre
yung pinag-iipunan mong laptop? excited ka pa naman kapag nadadagdagan yung ipon mo
yung tagalog english dictionary? proud na proud ka pa nga nun kapag yung mga salita dun nagagamit mo sa mga sinusulat mo
si doraemon? yung notebook na pang grade school kung saan mo sinusulat yung iba mong tula saka mga rklamo mo sa buhay?
yung proof-reading ng mga tula mo? gusto mo pa nga basahin ko ng malakas ang boses with feelings pa pero di moko mapipilit at sa huli ikaw lang ang magbabasa with feelings.
yung chocolate crinkles? pinaghirapan kong i-bake yun, nagpatulong pa ako kay angelita, yung kaibigan ko, sabi mo naman masarap kaya ok na ako.

nakakahiya to kapag nabasa mo, pero kasi, napapangiti ako pag naaalala ko lahat to.
ikaw din ba?
o ang mas magandang tanong, dumaan ba to sa isip mo kahit minsan lang?

25. Pasensya na

Sa mga araw na kupas ang liwanag.

Sa mga gabing nagtatago ang buwan.

Sa mga oras na bingi ang relo.

Sa mga panahong, wala ako.

 

Sa madalas na paumanhin.

Sa madalang na pansin.

Sa nasasaktan mong damdamin.

 

 

 

24.

nilabanan ko naman, di lang ako nanalo.
sabi ko, di na ko magsusulat ng tungkol sa’yo, para sa’yo, ng dahil sa nararamdaman ko
sabi ko, ayoko na. pagod na ako
sabi ko, mali na to, nasasaktan lang ako.
sabi ko, tama na, mukha na akong tanga.
sabi ko kakalimutan na kita.
sabi ko lang pala yun.
kahit tiniis ko na lumayo sa keyboard na to, heto nanaman ako, nagsusulat para sa pesteng puso ko.

nilabanan ko naman talaga, di lang ako nanalo.

23. Madamot

Bago pa tuluyang malaga ang itlog, kailangan ko ng patayin ang apoy.

Iniwasan ko si Kimpoy, iwas na hindi biglaan. Iwas, na unti-unti kong ginawa. Ramdam ko kasing napapamahal na si Kimpoy kay Kaloy. Pagmamahal na ayaw maramdaman ni Kaloy at ayaw niyang isama sa kanyang pang araw-araw na gawain.

Madamot si Kaloy, kuripot. Marahil dahil ganun niya nakita ang mundo sa kanya. Pero nakalulungkot isiping hindi niya napansin na pati ang sarili niya ay pinagdadamutan na niyang sumaya.

Bukas, ngingiti nanaman si Kaloy. Magpapatawa, mang-aaliw ng kaibigan. Pero hindi na kasama si Kimpoy sa mga ‘yon dahil lumagpas na sa kaibigan ang turing nito sakanya na ayaw niyang madama.

22. alamat ng jelly ace

Matagal-tagal rin bago ako nakabalik sa normal kong sistema.

Ilang araw akong nag-isip-isip ng mga posibleng dahilan kung bakit ayaw niya sa akin.

Nahihirapan akong i-analyze ang sitwasyon- bagay na hindi ko nakasanayan. Dati naman alam ko ang gagawin, dati naman hindi ako ganito kanaguguluhan. Parang gusto ko ng clue.

Pumasok tuloy sa isip ko na baka may gusto siyang iba. Kaya napagdesisyunan ko na obserbahan siya habang naka-duty.

Expected kong scenario ay hindi niya ako papansinin. Pero kabaligtaran.

Nagpasama pa siyang magbalik ng libro sa library. Parang walang nangyare. Parang wala kaming pinag-usapan.

Habang pababa nang hagdan, may nakasalubong kaming babae. Kilala niya.

Nag-usap sila. Sumabay sa amin.

Doon ko lang siya nakitang tumawa ng ganun habang nakikipag-usap. Hindi ganun kalaki yung ngiti niya pag ako ang kaharap niya.

Sa sobrang saya nila, hindi na nila ako napansin. Totoo pala na ang mga in love insecure.

Kaya sinipa ko siya tapos sinabi ko “sige lang wag mo ko intindihin, hindi naman ako selosa eh”.

Pero syempre imagination ko lang yun.

Binilisan ko ang lakad ko palayo.

 

 

 

Mas maganda siya.

21. Rule #1

Bukod sa motto at virtues ko sa buhay, may isang natatanging rule ako sa aking sarili.

“Bawal mainlove sa akin” alam ko medyo makapal at mayabang ang dating. Pero sinasabi ko talaga ito sa mga taong baka mahulog sa alindog ko. Haha!

Bakit?

Kasi kilala ko ang sarili ko. Hindi ako marunong magpahalaga o di kaya’y hindi ako marunong magsukli ng tama. Masyado akong busy sa buhay ko, at hindi na kakayanin ng planner kung may idadagdag pa akong isang relasyon na alam ko namang magwawakas din. In short negative thinker ako!

Pero ang rule #1 ko ay hindi naman nagsasabing bawal akong mainlove, sinasabi lang nito bawal mainlove sa akin.

At mukhang, inlove nga ako sa pagkakataong ito.